Saturday, September 30, 2023

Kuwento II

Nang maasul na langit pero nalamig na hapon nang ika-30 ng Setyembre ng 2023, nasa Isla Lulung pizzeria ako na naman sa ika-3 lakad ko sa araw. Naroon ang mga Taga-Indiyang tinderong si Navjot at si Simar. Dumalaw at kumain si John-Paul, ang adolesenteng anak ni Rose na tinderang Pilipina. Umiinom ako roon ng isang plastikong bote ng asul na enerhiyang inumin. Naririnig ko sa radyo sa likuran ang kuwento ng mga Amerindiyo. Pag-uwi ko, nakita ko sa daan ang mga kapitbahay ko: si Lolo John na Anglo-Sahon at ang asawa niyang si Lola Marit na Noruwega, si George na Tsipreng Griyego at ang nanay niyang si Lola Nikki, at si Mr. Chiu, yaong lolong Kantones. Kababalik daw ni George at ni Lola Nikki galing sa tindahan. Binanggit ko ang masarap na barbikyung baboy at katelpis, yaong parang malaking pusit, sa ibang tindahan. Sa bahay, nagtelekomperensiya kami ng kuya ko dahil nag-aaral kami ng Kastila. Natututo naman kami. Bibisita sa Mehiko ang mga kapatid ko.

No comments:

Post a Comment