Monday, September 18, 2023

Sekular

Sa huli nang umaga nang ika-18 ng Setyembre ng 2023, kinausap ko si Michael na Danes-Pranses sa tabi ng bangkong inuupuan niya sa lilim ng mga puno at tabi ng mga tindahan, dito sa Isla Lulu. Palagi na niyang pinag-uusapan ang mga mahiwagang ilaw-ilaw sa pook na sa kanya ay ebidensiya ng ekstraterestre. Kinausap daw niya si Bernard na puting Taga-Timog Aprika. Nagdududa raw si Bernard sa kanya. Ako naman ay Animista, at ang Animismo ay mapapaliwanag ang mga ekstraterestre. Heneriko ang Animismo kong kinakabilangan ng Daoismo at Shintō. Mas para nga akong Budoanimista. Ang Budismo ko ay di-sekta. Naranasan ko ang Zen, Theravāda, at Amidismo sa Budismo. Ang isip ni Michael ay hindi relihiyoso, sekular, at naiintindihan ko siya. Lumaki siya sa mga Katoliko noong bata pa sa New Brunswick daw.

No comments:

Post a Comment