Thursday, September 21, 2023

Creta

Sa maaraw na hapon nang ika-21 ng Setyembre ng 2023, nasa pizzeria rito sa Isla Lulu na naman ako. Naroon ang mga tinderong Taga-Indiyang si Navjot, si Sachet, at si Bal. Naroon din ang may-ari ng pizzeriang Yummy Slice na si Tharsan na may lahing Taga-Sri Lanka at pinanganak sa Hilagang Amerika. Marami ngayong namimili ng mga prutas sa tabing pruteriya: Marami'y mga sitrus sa kanilang plastikong sako. May namimili rin ng mais. Sa birtuwal na biyahe ko naman sa Istritbyu, sa tablet ko, naroon ako ngayon sa Creta sa Mediteraneo.

No comments:

Post a Comment