Saturday, September 2, 2023

Sakura Keyk II

Maaraw ngayong ika-2 ng Setyembre ng 2023. Naroon kami ni Greg na Pilipino sa Istarbak sa umaga para maghuntahan. Tapos na ang kape at tinapay ni Greg nang inalok niya ako ng mga mansanas na tsip at popcorn habang may tsaang itim na may yelo ako. Kinuha ko ang sako ng mansanas na tsip, at sa kanya na ang popcorn. Marami kaming pinag-uusapan. Ang wikang Tsino ay madali lamang ang gramatikang parang kreyol, pero mahirap lamang ang sulat at pagbigkas nang kasama na ang tono. Popular ang Hapones sa mga bata dahil madaling bigkasing parang Italyano, at ang sulat na Kana ay parang kendi sa mata. Maganda rin ang Koreano, Taylandes, at Byetnames nang sang-ayon kami ni Greg. Maraming Koreano ay naaakit lumipat sa Pilipinas dahil gusto nila ang Katoliko at Asyano. Sa Istarbak sa Hapon, mayroong Sakura Keyk na may tuyong seresong bulaklak sa ibabaw. At mayroon ding Kamoteng Keyk doon. Sabi ko kay Greg na nagbiyahe kami ng pamilya ko sa Espanya, Portugal, at Maruekos noong isang taon. Sabi ko kay Greg na nakikita ko na ang buong mundo sa birtuwal na biyahe sa mga imahen ng satelayt sa tablet ko. Ngayon sa bahay, nag-aaral ako ng Kastila.

No comments:

Post a Comment