Nang maulap na ika-28 ng Setyembre ng 2023, nasa pizzeria ako sa umaga at sa hapon, at nasa Istarbak din sa hapon. Dalawang beses ako naglakad. Sa pizzeria, naubusan na sa puwenteng makina ang kolang pangdiyeta. Nagboteng plastiko ng kolang pangdiyeta na lamang ako sa umaga nang may kesong pizza, at nagkatas na mansanas ako sa hapon. Sa Istarbak, nagsanwits na salsitsas, cheddar, at itlog ako. Dumalaw si Hans na Olandes sa kanyang silyang de-gulong. Pinag-usapan namin ang mga rover sa Luna, dahil binanggit kong may rover na din ang Indiya at Tsina roon. Sabi raw ni Hans na may tubig na yelo raw sa timog na polo sa Luna. Gustong magtayo ng base sa Luna para mas maiging paliparin ang mga raket papuntang Marte. Mas magaan sa grabedad sa Luna. Sa bahay, tapos ng hapunan ko ng hamon, kumain ako ng Physalis peruviana, o Inka Berries. Pinatikim ko si Joanne na Ukranyana noong isang araw. Kompleks ang nomenklatura para sa mga prutas ang pinag-usapan namin. Noong isang araw, sabi ko kay Greg na sayang at hindi tinuloy ang Kastila sa Pilipinas tapos ng gera ng 1898. Tinuloy sa Puerto Rico, naman. Iba ang polisiya. Namasyal kami ni Michael na Danes-Pranses sa umaga sa kapitbahayan para makita ang mga ebidensiya ng ekstraterestre sa kanya. Mga ilaw-ilaw. Noong isang araw nga, nakita ko muli yaong ilaw na mukhang diyamante. Sabi kong di mutuwal na eksklusibo kung espiritwal o ekstraterestre, kung iniisip niya.
No comments:
Post a Comment