Tuesday, September 19, 2023

Madaling-araw

Sa madaling-araw nang ika-19 ng Setyembre ng 2023, kumakain ako sa bahay ng suman sa ube nang may kasamang mentang tsaang mainit. Maitim na morado ang suman. Mga alas 9 nang umaga, nasa Istarbak ako, at naroon pa si Greg nang nagbabasa ng diyaryo niya. Nag-order ako ng sanwits na salsitsas, kesong cheddar, at itlog. Mamaya pa, may tsaang itim na may yelo. May lalaki sa ibang mesang parang nakasuot na militar na berdeng dyaket. Nagbiruan kami. Sabi niya, "Nasa VC Army ako dati." Marami kaming pinag-usapan ni Greg: Ang mga Hapones ay mahilig magbabad sa tubig. Lahat ng ginagawa nila ay parang arte at pagdarasal, katulad ng kung naghahati ng prutas at kumakain. "Sila lamang ang etnikong ganoon," 'ika ko. Sa ibang mesa, may dalawang Hispanikong nagkakastila: isang lalaking nakaahit ang ulong nakaitim na dyaket at isang babaeng nakaasul na beysbol kap. Kinausap ako ni Jessica, yaong Byetnamesang barista, habang nagwawalis siya ng mga tuyong dahon: "Dadating na ang taglagas," 'ika niya. Sabi ko, "Ika-21 o ika-22, di ba?" Pero, ika-23 pala. Patapos na ang tag-init. Nang palabas na ako, kinausap ko si Chris na mestisong Hapones-Ingles na barista. Tinapos na raw niya ang unibersidad, UBC. Dumalaw ako sa pizzeria. Naroon si Michael na mestisong Tsino-Ingles.

No comments:

Post a Comment