Sunday, September 10, 2023

Kosher

Sa hapon nang ika-10 ng Setyembre ng 2023, nasa pizzeria na naman ako para magkola. Kinakain ko ang mga mansanas na tsip na binigay ni Greg sa akin noong umaga pa. Maraming mga batang mestisong Eurasyano ngayong hapon sa daan. Sa pizzeria, may dumalaw na pamilya na Hebreo at Ingles ang salita. "Kosher" daw ako ang sabi ng tatay doon. Nitong umaga, sabi ko kay Greg na may mga ansestro akong Griyego at Hudyo sa Gresya. Ang lolo ng lola ko sa inang linya ay si Dimitri. May litrato ako niyang nakaupo siya sa eleganteng silya, at mukha siyang bampira. Sabi ko kay Greg na narating ko na ang Gresya, sa hepeng lupa at sa mga isla-isla.

No comments:

Post a Comment