Sa huli nang umaga nang ika-30 ng Setyembre ng 2023, sa ika-2 lakad ko, pumunta ako sa pizzeria rito sa Isla Lulu. Naroon ang tinderong Taga-Indiyang si Simar. Sabi niya habang binabayaran ko ang isang kahon ng katas na mansanas: "Kumusta ang gerlpren mo?" Sagot ko, "Wala naman, e. Ikaw ba?" "Parang wala rin nga, e!" biro niya. "Walang pizza ngayon?" "Hindi na dahil tumataba ako." "Pizza ang kinakain mo?" "Pizza nga at pagkain sa bahay." "Nagluluto ka?" "Ang nanay ko. Ikaw ba nasa mga magulang ka pa?" Binulong niya ang sagot niya, at di ko masyadong naintindihan sa punto niya. "Magaling ang pagkain sa bahay," dagdag niyang positibo. Sa isang mesa sa sulok, nagpipizza si Michael na mestisong Tsino-Ingles. Sa radyo sa likuran, pakinig ko ang kuwento ng mga Amerindiyo. Maaraw sa labas, pero lumalamig na. Sa bahay, gamit ang tablet ko, nagbiyabiyahe akong birtuwal nang Istritbyu sa mga iba-ibang lugar sa mundo, at itong mga araw, nasa Bucharest sa Romania ako.
No comments:
Post a Comment