Tuesday, September 12, 2023

Ingklusibo

Sa makulimlim pa nang pasado nang alas 6 nang umaga nang ika-12 ng Setyembre ng 2023, lakad kami ni Michael na Danes-Pranses sa daan habang papunta ako sa Istarbak. Pinag-uusapan namin ang mga mahiwagang ilaw-ilaw sa pook na sa kanya ay ebidensiya ng ekstraterestre. Tanong niya, "Anong iniisip mo sa mga ekstraterestre at itong mga nangyayari?" Sagot ko, "Ang ekstraterestre at animismo ay ingklusibo. Animista ako." Maaaring ipaliwanag ng animismo ang mga ekstraterestre. Tapos, pumunta na ako sa Istarbak, at si Michael naman ay pumunta sa gasolinahan para kumuha ng kanyang kape. Maglalaro siya ng krosword pasel nang nakaupo sa bangko sa tabi ng mga puno. Sa Istarbak, habang umiinom ako ng tsaang itim na may yelo, nagbabasa ako ng Kastilang nobelang Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg. Iniehersisyo ko rin ang aking katawan habang nakaupo ako. Ang mga barista ngayon ay si Jam, yaong Pilipinong may mahabang ponytail at may bigote, si Sarah, yaong Anglo-Sahona, at si Tanya, yaong Anglo-Sahona rin.

No comments:

Post a Comment