Friday, September 29, 2023

Yemen

Sa huli nang umaga nang ika-29 ng Setyembre ng 2023, nasa pizzeria ako. Maulap ang langit. May isang platong papel ako ng mga tsip na inihurnonng patatas na nilagyan ko ng ketsap. At may isang plastikong bote ng enerhiyang naranghang inumin ako. Sa isang sulok ay si Michael na Tsino-Ingles na mestiso. May dumalaw na dalawang magandang lalaking may dalang mga kulay-pilak na maletang may kasamang unan para sa leeg na pang-eroplano. Sa suot, ang isa ay nakaitim, at ang isa ay nakanarangha. May mga balbas. Akala ko'y Taga-Iran sila, pero Taga-Yemen daw sila. Pero yaong nakanarangha ay pinanganak sa Saudi Arabia raw. Sabi kong alam ko ang Isla Socotra sa Yemen. Alam ko ang mga mahiwagang halaman doon. Paunang dating nila sa Isla Lulu, at imigrante sila sa bansa. May gera raw sa Yemen. Pag-alis ko, sabi ko, "Enjoy!"

No comments:

Post a Comment