Thursday, September 21, 2023

Srivijaya

Nang maaraw na umaga nang ika-21 ng Setyembre ng 2023, lakad ako papuntang Istarbak sa Isla Lulu. Doon, may sanwits na salsitsas, cheddar, at itlog ako. Sa mesa sa labas ng bintana ay si Marlin, yaong Pilipina, at si Les, yaong Haponesa. Dumating si Greg na Pilipino. May kape siya sa seramikang tasa at kanelang kapeng keyk. Binili niya ako ng mansanas na tsip at malaking tsaang itim na may yelo. Marami kaming pinag-usapan: Sa antigong panahon sa Indonesia ay ang Imperyong Srivijaya, yaong Budista-Hindu, bago pa sila sinakop ng mga Muslim. Sa Indonesia ngayon, ginagamit ang Bahasa Indonesia hanggang unibersidad. Marami silang libro sa kung anu-anong temang dinadaig ang Pilipinas. Sa Pilipinas, marami nang Koreano ang pumapasok, at hindi lamang sila Katoliko. Mahusay ang impluwensiya nila dahil sila'y metikuloso at industriyoso. Sa Istarbak, may dumalaw na malalaking lalaking muskulado ang mga binti at may balbas.

No comments:

Post a Comment