Friday, September 8, 2023

Kronika

Maaraw, pero may kulap, sa daang nilalakaran ko papuntang Istarbak sa Isla Lulu nitong umaga nang ika-8 ng Setyembre ng 2023. Dinala ko sa loob ng aking berdeng kambas na sako ang nobelang piksiyong espekulatibong sa Kastilang Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg. Binabasa ko sa Istarbak habang nagtsatsaang itim na may yelo ako. Nagsanwits din ako nang may salsitsas, kesong cheddar, at itlog sa loob. Ang mga barista ngayon ay si Gina, yaong manedyer na Pilipina, si Chelsea, yaong Mandaring Tsina, si Jessica, yaong Byetnamesa, at si Anna, yaong bagong Pilipina. Nakita ko muli si Michael na Danes-Pranses sa daan pauwi. May mga mahiwagang ilaw-ilaw daw papasok sa isang draybwey. Ekstraterestre sa isip niya ang dahilan.

No comments:

Post a Comment