Sa umaga rin nang ika-8 ng Setyembre ng 2023, lakad ako papuntang pizzeria rito sa Isla Lulu. Kumakain ako roon ng mga tsip na inihurnong patatas, at may kolang pangdiyeta ako. Nilagyan ko ng salsang Sriracha ang patatas. Walang masyadong mga kostumer. May isang nakasalaming muskuladong puting nakabughaw ang suot na kumakain ng pizza sa regular na sulok ko, kaya umupo na lamang ako sa sulok sa may bintana ngayon. Pag-uwi ko, dumaan ako sa eskinita sa parke. Sa aspalto'y may putol na mga buntot-buntot ng kabayo, yaong ligaw na halaman. Sa mga tabi rin ay mga berdeng enredaderang may mga puting bulaklak.
No comments:
Post a Comment