Pasadong alas 9 nang umaga nang ika-5 ng Setyembre ng 2023, lakad ako papuntang Istarbak dito sa Isla Lulu. Punong-puno na ang Istarbak nang tao dahil balik sa eskuwela ang mga estudyante. Pinindot ko ang butones para bumukas ang pinto. Lumabas muna yaong muskuladong naka kulay-abong mukhang militar na regular na kostumer. "Salamat!" ang sabi niyang may hawak na kape. "Ya!" ang sabi ko. Dahil wala nang maupuan, pumunta na lamang ako sa sanwitseriya para kumain ng sanwits na manok. May libreng kape. Lumabas na ako dahil masyadong malakas ang radyo roon. Umupo akong may kape sa bangko sa may mga puno sa tabi ng pruteriya at ibang tindahan. Tumawid ang isang Taywanesang lolang may salaming nagtratrabaho sa pruteriya. Sabi niya'y nagbakasyon daw siya sa Taiwan. "Sa Taipei ba?" ang tanong ko. Sabi ko, "Sa timog, may mga plantasyon ng pinya!" Nalibot ko na ang Taiwan nang Istritbyu. Alam kong may impluwensiya pa ang Hapones sa Taiwan dahil dating kolonya. Mandarin ang salita roon, pero may Hokkien din ng Intsik at iba pang mga wikang kinakabilangan din ng mga indihenong wikang may kaugnayan sa Tagalog, mga Awstronesyong wika. Yaong lumang bersiyon ng mga sinograma ang ginagamit pa sa Taiwan. Sa Tsina kontinental mismo, ang bagong bersiyon ng mga sinograma ang ginagamit.
No comments:
Post a Comment