Maulap na maaraw dito sa Isla Lulu ngayong ika-6 ng Setyembre ng 2023. Nasa Istarbak ako sa umaga at sa pizzeria sa umaga rin. Sa hapon, balik akong lakad sa pizzeria nang sa daan, nakita ko si Michael na Danes-Pranses. Pinakita niya sa akin sa ismartpon niya ang mga bagong litrato ng mga mahiwagang ilaw-ilaw sa pook na sa kanya ay ebidensiya ng ekstraterestre. Sa gusali ng gasolinahan daw ay may mga ilaw-ilaw, at hinarangan niya ng braso niya, pero hindi naiilawan ang braso niya. Ganoon din ang mga puno. Nasa balkonahe ako sa bahay, at narinig ko ang kapitbahay kong si Lola Moli nang nagsabing "Wala raw mga Marsiyano!" Baka nga ang mga intelihenteng ekstraterestre ay maraming-maraming sinag-taong malayo sa ating Tiyera. Baka masyado na silang abansadong nagmumukha lamang ang sangkatauhang mga matsing sa kuweba. Isiping ang ating sibilisasyon sa Tiyera ay kaunting libong taon lamang gulang. Isipin kung ano ang sibilisasyong milyun-milyong taong gulang!
No comments:
Post a Comment