Sunday, September 3, 2023

Istroberi

Medyo maulap na maaraw ngayong ika-3 ng Setyembre ng 2023. Sa bahay sa umaga, ang almusal ko ay mga istrobering binalot sa tsokolateng puti at kayumanggi. Mamaya pa, nasa Istarbak kami ni Greg na Pilipino para maghuntahan. May kape at croissant siya. Binigyan niya ako ng mga mansanas na tsip. May itim na tsaang may yelo ako. Dinala ni Greg ang malaki niyang Bibliya dahil pupunta siya sa Baptistang simbahan mamaya. Bukas, dahil gusto niya, ipakikita ko sa kanya ang mga Bibliya kong Tagalog, isang kulay-lilang malaki at isang maliit na maitim na asul ng Mga Saksi ni Jehova. Ibibigay ko bukas sa kanya ang aking Arabe-Ingles na bilingguwal na Koran dahil interesado siya sa mga relihiyong Abrahamiko. Mamaya rin sa umaga, sa bahay, dumating ang mga Pilipinong kaibigan ng pamilya kong si Nida at si Dindo. May dinala silang mga pagkain. Kasama nila ang maliit na aso nilang si Bella. Kumain ako ng mais. Sa tanghalian namin, Intsik ang pagkaing dala sa bahay dahil kaarawan ng pinsang kong si Eva.

No comments:

Post a Comment