Sa umaga nitong ika-2 ng Setyembre ng 2023, kinausap ko si Greg na Pilipino sa Istarbak dito sa Isla Lulu tungkol kay Lilith na paunang asawa raw ni Adan ayon sa mitolohiya ng mga Hudyo at Mesopotamyano. Si Lilith daw ang ansestro ng mga bampira. Sa hapon sa bahay, dumating sa mapulang Mercedes ang kuya ko at ang kaibigan niyang si Paul L. na Ingles na Hudyong may Britanikong punto. Kinamusta niya ako. Sabi niyang nagbiyabiyahe raw siya sa buong Mehiko dahil may mga kaibigan daw siya roon. Sabi ko namang nagbiyabiyahe ako nang Istritbyu, yaong mga imahen nang satelayt para sa birtuwal na biyahe. Sang-ayon kaming kung ang gusto lamang makita ang arkitektura, sapat na ang Istritbyu. Sabi kong nabiyahe ko na ang buong mundo, ang lahat ng "pitong kontinente." Sabi kong ang isang paborito ko ay ang Palasyo ng Potala sa Tibet sa Tsina. May mga dalang sakong puno ng mga gulay ang kuya ko.
No comments:
Post a Comment