Sa umaga nang ika-4 ng Setyembre ng 2023, dinala kong lakad sa Istarbak ang aking bakpak na kulay-abong ginamit ko sa UBC na unibersidad ko. May tatlong libro sa loob. Sa labas ng Istarbak, sa mesa sa harap ng bintana, nakaupo ang tatlong babaeng si Marlin, yaong Pilipina, si Les, yaong Haponesa, at isang Tsina. Sa mesa ko sa loob, may tsaang itim na may yelo ako. Dumating si Greg. May kape siya, at may kanelang kapeng keyk. Binili niya ako ng mga mansanas na tsip. Dinukit ko ang malaking kulay-lilang Tagalog na Bibliya ko mula sa bakpak ko. Gusto niyang makita. Tiningnan niya. Sabi niya'y Protestanteng bersiyon daw iyon. Baptista si Greg. Tapos, pinakita ko ang Tagalog na maliit na maitim na asul na Bibliya ng Mga Saksi ni Jehova. Tapos, pinakita ko ang kayumangging bilingguwal na Arabe-Ingles na Koran kay Greg. Binigay ko na sa kanya ang libro dahil interesado siya sa mga Abrahamikong relihiyon. Sabi kong ang paborito kong Sagradong Eskritura ay ang Dàodéjīng ng Daoismo, lalu-lalo na ang translasyon ni Ursula Le Guin. Gusto ko rin ang Bhagavad-gītā As It Is na may ekselenteng komentaryo ni A.C. Bhaktivedanta Swami Prabhupāda. Hindu, o Hare Krishna, iyon. May Sanskrit at Ingles doon. Sabi ko kay Greg na sa Talmud ng Hudyo, ang sabi ay dinadalaw daw ng Diyos bawat gabi ang 18 000 mundo. Pag-uwi ko, nakita ko si Rochelle na mapula ang buhok sa harapan ng tahanan niya. Lumipat sa 100 Mile House na raw ang kapitbahay na si Mark na tabatsoy na mukhang si Maitreya Buddha.
No comments:
Post a Comment