Nang maulap na umaga nang una ng Nobyembre ng 2023, nasa pizzeria ako para kolang pangdiyeta, at mamaya pa sa Istarbak naman para abenang gatas na may yelo habang nagbabasa ako ng Kastilang librong Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg. Nasa bar ako roon, sa matangkad na silya. Dumalaw si Alma, ang dating tinderang Pilipina sa 7-11 na nakilala ko. Ngayon, katulong sa pangangalagang pangkalusugan siya. Kasama niya ang mga nars. Nagpupunta siya sa bahay ng mga pasyente. Mas malaki raw ang suweldo niya, pero mas komplikado. Pag-uwi ko, nakita kong naglalakad sa daan si Ginoong Chiu, yaong Kantones, at pinag-usapan namin ang darating na mga pamutol ng halamang-bakod. Sa bahay, nirerebyu ko ang aking Lojban. Bago pa magtanghalian, lakad ako sa kapitbahayan. May mga Tsinang nagsusunog ng mga dahon sa kanilang hardin, at amoy ko ang usok. Mamaya pa, ako'y nasa palaruang napapalibutan ng mga puno. Ang madamong patlang sa tabi ay parang lugar sa ibang planeta.
No comments:
Post a Comment