Sa hapon, nagpaikot-ikot ako sa cul-de-sac na may kastilyo rito sa Isla Lulu. Sa Daoismo, ang mikrokosmo ng mga kapitbahayang hardin ay repleksiyon ng anu-ano mang nangyayari at naroon sa makrokosmo. Kinamusta ako ng kapitbahay na Anglo-Sahonang si Barb. Pinag-usapan namin ang Halloween at Pasko, at ang mga inumin sa Istarbak. Darating na raw galing Hawaii si Linda, yaong kapitbahay na mestisang may lahing Amerindiyong Cree. Pilipina ang manugang ni Linda. Sa bahay, sinigang na halibut at ginataang moradong kamote at tugi ang hapunan. May tsaang matcha ako. Maulap ngayong ika-5 ng Nobyembre ng 2023.
No comments:
Post a Comment