Sunday, November 5, 2023

Ikot nang Ikot

Maulap na kaunting maaraw ngayong ika-5 ng Nobyembre ng 2023, Linggo. Lakad sa umaga ako papuntang pizzeria. Naroon ang Pilipinang tinderang si Rose. Kumakain ako ng pirasong mantekilyang manok na pizza at umiinom ng kolang pangdiyeta, habang nagbabasa ng Kastilang librong Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg. Sa labas ng bintana, nakita kong tumawid si Brian, yaong Eskoses. at iniwanan niya sa mesa ang isang papel na tasa ng kapeng Istarbak. Sa labas, lagas na ang mga dahong dilaw at kayumanggi mula sa mga puno. Dumaan nang paikot-ikot ako sa cul-de-sac na may kastilyo. May isang bahay pang may apat na kalabasang dekorasyon sa labas sa harapan. Nagkakalaykay ang Tsinang si Lindsey ng mga dahon ng mga igos sa hardin.

No comments:

Post a Comment