Nang ika-4 ng Nobyembre ng 2023, nasa Istarbak ako, at dalawang beses sa pizzeria, sa Isla Lulu rito. Sa Istarbak sa umaga, naggatas na abenang may yelo ako habang nagbabasa ng Kastilang libro. Naroon ang mga baristang si Nabhi, yaong Taga-Indiyang mukhang Latina, at si Chelsea, yaong Mandaring Tsina. Sa pizzeria, madalas ang kolang pangdiyeta ko. Sa hapon sa pizzeria, may magtatay na mga Brasilyano. Binigyan ko sila ng dalawang tsokolateng nakita ni Simar, yaong tinderong Taga-Indiya, sa isang mesang iniwanan ng dalawang Tsinong binatang may dalang malaking iskuter. Pag-uwi ko, nakita ko sa daan si Sherie, yaong tabatsoy na may pitbull. Namatay na raw ang tatay niya sa puso. Pranses ang lahi ng tatay niya, pero Amerindiyong Cree ang nanay niya. "Kondolensiya ko!" 'ika ko. Baka raw lumipat ang magnanay sa Isla Bangkuber. Sa bahay, nagbidyokomperensiya kami ng kuya ko dahil nag-aaral kami ng Kastila bawat Sabado. Bibisita siya muli sa Mehiko.
No comments:
Post a Comment