Sabi nang ibang ang pagsusulat ko sa Tagalog ay mas parang Budismo. Pasado nang 18:00 nang gabi nang ika-3 ng Nobyembre ng 2023, may apat na lalaking nakaahit ang ulong nakita ko habang naglalakad. Sa daan, sa dilim ay si Al at si Rochelle, yaong pula ang buhok, na naninigarilyo. "Kumusta ang Halloween ninyo?" tanong ko. "Kaarawan noon ni Rochelle," 'ika ni Al. "Ah! Espesyal na araw!" sabi ko. Sa eskinita, may mga parang bulak-bulak na akala ko'y niyebe sa dilim ng gabi. Sa pizzeria, nagpirasong manok na pizza akong may kasamang kolang pangdiyeta. Binabasa ko ang Kastilang librong Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg. Sa bahay naman, sa tablet ko, may binabasa akong mga abansadong matematikong libro sa Kastila. Nirerebyu ko ang calculus, lohika, pisika, at mga diskretong matematika. Binabasa ko rin ang Kastilang librong piksiyong espekulatibong El eterno regreso a casa ni Ursula K. Le Guin, tungkol sa buhay na parang Amerindiyo sa kinabukasang libu-libong taon pa sa Norteng California.
No comments:
Post a Comment