Nang maaraw na malamig na umaga nang ika-7 ng Nobyembre ng 2023, Martes, lakad ako papuntang Istarbak. Doon, may gatas na abenang may yelo ako at sanwits na salsitsas, cheddar, at itlog. Sa mesa ko, pinag-aaralan ko ang aking mga listahan sa dalawang papel na dala ko sa kartera ko. Tinatandaan ko ang mga salita sa wikang guni-guning Lojban, yaong mga indikador ng mga emosyon. Sa Istarbak, sa isang mesa ay may Tsinong nakaahit ang ulo. May nakaahit ang ulong babaeng puting may salaming madalas bumati sa akin nang pasok-labas niyang pagkuha ng kape niya. Sa isang mesa, si Brian, yaong Eskoses, ay nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape. May guwapong puting dumalaw na maitim ang buhok at may balbas. Pag-uwi ko, dumaang paikot-ikot ako sa cul-de-sac na may kastilyo. May mga dahon sa bangketa. Sa harapan ng isang bahay, naroon pa ang apat na naranghang kalabasang pangdekorasyon. Sa relihiyong Shinto ng Hapones, minamahal ang Kalikasan.
No comments:
Post a Comment