Nang maulap na umaga nang ika-15 ng Nobyembre ng 2023, lakad ako papuntang Istarbak. Umiinom ako roon ng mayelong abenang gatas. Pagkatapos ni Brian na Eskoses kumain ng binalot na salsitsas at itlog, lumapit siya sa mesa ko. Tanong niya, "Anong binabasa mo?" "Ito ay Okupacio. At ito ay La Imperio Ornaks." Tanong niya, "Anong lengguwahe?" Sagot ko, "Esperanto. Inimbento ng Hudyo noong 1887 sa Polonya. Sinakop ng Rusya ang Polonya. Sa bayan ni Doktor Zamenhof na Białystok, maraming iba-ibang tao: May Polako, Ruso, Aleman, Hudyo, at iba pa. Nag-aaway sila, kaya gumawa si Doktor Zamenhof ng pandaigdigang lengguwahe para sa lahat. Isa siyang idealista. Siya ay isang henyo!" Mamaya pa sa Istarbak, tumawid na may kape si Michael na mestisong Tsino-Ingles. Sabi niya, "Kumusta? Nagtatago ka diyan sa sulok!"
No comments:
Post a Comment