Kaya pala may narinig akong mga paputok kagabi ay dahil ng Diwali ng mga Taga-Indiya, ang Pista ng mga Ilaw, na binanggit ni Simar nitong gabi sa pizzeria rito sa Isla Lulu nang ika-13 ng Nobyembre ng 2023. Dumalaw din ang may-ari ng pizzeriang si Tharsan, yaong may lahing Taga-Sri Lanka pero pinanganak dito sa Hilagang Amerika. May bagong trabahador doong ang pangalan ay Dhruv na sa Taga-Indiya ay estrelyang Polaris ang ibig sabihin. Nakatira siya sa Surrey, lugar na patimog nang Isla Lulu. Marami roong mga Taga-Indiya. Yaong Taga-Indiya ring si Navjot na trabahadora naman ay nakatira sa Delta, lugar na patimog din nang Isla Lulu, ang binanggit niya noong isang araw pa. Sabi ko sa kanyang malapit siya sa malaking santuwaryong parke ng mga ibon ni George C. Reifel. Magandang lakaran doon. Maraming Kalikasan. Estudyante raw siya sa Kolehiyo ng Langara, at may mga biyolohiya siyang pinag-aaralan. Sabi kong maraming memorisasyon. Mas maigi raw sa kanya ang mga hayop kaysa sa mga halaman. Noong isang araw, sabi naman ni Sachet na Taga-Indiya ring trabahador ay nasa Metrotown siya, lugar na pahilaga nang Isla Lulu. Maraming tindahan. Sa tingin ko, may dalawang klaseng tao sa mundong ito, yaong tingin sa akin ay hindi dayuhan, at yaong tingin sa akin ay dayuhan nga. Pag-uwi ko mula sa pizzeria, dumalaw ako sa Tsinong pruteriya para bumili ng isang plastikong sako ng kabute. Sa lakad ko sa daan, nakita ko sa dilim nang gabing naninigarilyo si Al at si Rochelle na pula-buhok.
No comments:
Post a Comment