Sa madaling-araw nang ika-13 ng Nobyembre ng 2023, nagdalawang piraso ako ng pizza sa bahay dito sa Isla Lulu. Umiinom ako ng mayelong tsaang regalis na ehipsiyo. Sa labas, sa harap ng bahay ko, lumipat na ang mga Tsinong kapitbahay dahil pinagbili ang bahay. Sa madaling-araw, pinaaandar ko sa tablet ko ang tunog ng audiobook kong El Principito ni Antoine de Saint-Exupéry sa lengguwaheng Kastila para praktis. Iniisip ko ang kinabukasan: Baka hindi uniporme ang sitwasyon sa mundo. Baka may mga parteng sinakop na ng artipisyal na intelihensiya, at ang mga tao ay naging pusa at aso ng makina. Baka sa ibang parte naman ay mas primitibo pa ang ugali ng tao, at may ebolusyon pa. Hindi imposibleng sa malayong kinabukasan, post-humano, o kaya man post-biyolohiko, ang sitwasyon. Ang optimal ay simbiyosis ng makina at tao. Hindi na ako masyadong relihiyoso ngayon: Alam kong ang Budismo ay abansadong sikolohiya, at ang Animismo ay mapapaliwanag ng siyensiya. Iniisip ko pang magaling kung maaaplowd ang isip ng tao sa makina.
No comments:
Post a Comment