Sa maraming Hapones, ang paboritong numero ay 14. Ngayon ay ika-14 ng Nobyembre ng 2023. Apat na beses akong naglakad: isa sa Istarbak, at tatlo sa pizzeria, sa Isla Lulu rito. Sa umaga sa Istarbak, nagtsaang itim na mayelo ako, at may sanwits na salsitsas, cheddar, at itlog ako. Doon, binabasa ko ang Kastilang librong Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg. Naroon si Jam na baristang Pilipinong may bigote at ponytail. May bagong baristang ang pangalan ay Emily na kahawig ng isang programmer na matangkad na babaeng si Kathleen H. sa dating pinagtratrabahohan ko sa Gastown sa Bangkuber. Sa pizzeria sa umaga, ang tindero ay ang Taga-Indiyang si Bal na may tato sa braso. Umiinom ako ng kolang pangdiyeta, at may pirasong pizzang may maiitim na kabute ako. Sa gabi sa pizzeria, naroon ang mga Taga-Indiyang tinderong si Sachet at si Simar. Dala ko ang bagong diyeta ko ng libro, sa lengguwaheng Esperanto naman: La Imperio Ornaks ni A. Thorkent at saka Okupacio ni Erni Krusten. Sa isang sulok ng kapitbahayan sa dilim nang gabi ay naninigarilyo at nag-iismartpon si Al at si Rochelle na pula ang buhok. Nilalakad ni Alex na Pranses ang tsokolateng Labrador niyang si Ellie.
No comments:
Post a Comment