Wednesday, November 1, 2023

Día de los Muertos

Pasado nang 13:00 ng maulap na hapon nang una ng Nobyembre ng 2023, lakad ako papuntang Isla Lulung pizzeria. Ngayon ang simula nang Día de los Muertos sa Mehiko, hanggang ika-2. Haluhalo yaong selebrasyon nang Azteca at ibang indiheno at Katolikong tradisyon. Sa pizzeria, naroon si Bal na Taga-Indiyang tindero at si Rose na Pilipinang tindera. Umiinom lamang ako ng kolang pangdiyeta habang nagbabasa ng Kastilang librong Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg. May lolong Tsinong nagbabasa ng sinogramang diyaryo habang may pizza sa kamay. May dumalaw na Taywanesang lolang galing sa tapat na pruteriya habang may hawak na kuwartang pangbili. May batang mestisong Tsinong bumili ng tatlong piraso nang Hawayanong pizza.

No comments:

Post a Comment