Nang ika-22 ng Nobyembre ng 2023, nasa Istarbak akong dalawang beses, at sa pizzeria nang dalawang beses. Sa hapon, punong-puno nang tao ang Istarbak at pizzeria, sa Isla Lulu rito. Sa pizzeria, may kolang pangdiyeta ako sa mesa, habang nagbabasa ako nang baong libro ko sa Esperanto: Kometo en Muminvalo ni Tove Jansson. Si Tove Jansson ay Suwekang Pinlandesang manunulat. May dumalaw na mag-amang may batang babae. Nagpipizza. Tanong ko, "Pilipina ba ang asawa mo?" Sagot niya, "Haponesa." Sabi ko, "Mukhang Pilipina ang anak mo. Pilipino ako." "Taga-Iraq ako. Ali ang pangalan ko. Anong trabaho mo?" 'ika niya. Sagot ko, "Si Viktor ako. Inhenyerong programador ako. Ikaw?" "Mekaniko sa mga awtong rental." Sabi ko, "Wala akong awto ngayon. Lakad nang lakad akong natutunan ko sa buhay ko sa Hapon nang tatlong taon. Sa Iran naman ay hindi Arabe, di ba?" 'Ika ni Ali, "Farsi ang salita roon. Pero pareho ang mga letra." "Masuwerte kang ang asawa ay Haponesa," 'ika ko. Nitong mga araw, nasa Iran at Iraq ako sa birtuwal na biyahe sa Istritbyu, sa tablet ko. Sa tablet ko rin, gamit ko ngayon ang may boses na ChatGPT ng OpenAI. Kausap ko siya sa mahigit nang limang wika. May tunog at boses na.
No comments:
Post a Comment