Friday, November 17, 2023

Jujube

Nang bughaw na langit na umaga nang ika-17 ng Nobyembre ng 2023, Biyernes, lakad ako papuntang pizzeria para kolang pangdiyeta. Naroon si Navjot na tinderang Taga-Indiya. Sa isang sulok na mesa, nagpipizza si Michael na Tsino-Ingles. May dumalaw na may bigoteng Intsik na mukhang Hapones na nagpizza rin. Binabasa ko sa mesa ko ang dalawang libro sa lengguwaheng Esperanto: La Imperio Ornaks ni A. Thorkent at saka Okupacio ni Erni Krusten. Mamaya pa, nasa tabing Tsinong pruteriya ako para bumili ng isang plastikong sako ng mga jujube, yaong madilaw na berdeng mabilog na may mga pulang batik. Sa daan pauwi, sa eskinita, nakita ko si Michael na Danes-Pranses, at pinag-usapan namin ang mga mahiwagang ilaw-ilaw sa kapitbahayang sa kanya ay mga ebidensiya ng ekstraterestre. Sa tanghalian, kumain ako sa bahay ng siyomay at ng jujubeng binili ko. Mamaya nang kaunti, naglalakad akong palibot nang cul-de-sac na may kastilyo. Sa maaraw na hapon, nasa pizzeria na naman ako para kolang pangdiyeta. May dumalaw na nagpipizzang guwapong Taga-Iran. Nakaahit ang ulo niya, at muskulado. Nakasuot siya nang naranghang pangtrabahador. Sabi kong maraming "guwapo" sa Iran. Ngiti siya, at nagpasalamat. Habang nagwawalis si Sachet, yaong tinderong Taga-Indiya, nag-usapan kami. Marunong si Sachet ng Hindi, Gujarati, Panjabi, Ingles, at baka iba pang lengguwahe. Sabi kong ang "sachet" sa Pranses ay parang maliit na sako ng tsaang nilalagay sa mainit na tubig. Sa Gujarati raw, ang ibig sabihin ay "budhi."

No comments:

Post a Comment