Friday, November 17, 2023

Vinarines

Nang mga 17:00 nang gabi rito sa Isla Lulu at mga 19:00 sa Lungsod ng Mehiko nang ika-17 ng Nobyembre ng 2023, nagbidyokomperensiya kami ng kuyang bumibisita sa Lungsod ng Mehiko, sa lugar doong La Condesa. Nagpraktis kami nang kaunting Kastila, at pinakita niyang lakad ang mga kalye at apartment niya sa La Condesa, sa madilim na gabi. Matahimik sa yaong distrito, pero may katangian ng pista dahil ng mga ilaw, tindahan, restawran, kotse, puno, at naglalakad. Bilin ko sa kuyang ikuha ako roon kung mahahanap ng makulay-kulay na kending ang tawag ay "Vinarines." Mamaya pa, lumabas akong lakad nang bahay dito sa Isla Lulu papuntang pizzeria. Dala ko ang mga libro ko sa Esperanto. Nag-isang piraso ako ng pizzang gulaying may mga itim na olibo. May mga maingay na binata roong nagpipizza. Sa tema ng araw, ang numerong 17 ay naging simbolo ng Tagalog. Kanina, binigyan ako ni Sachet na tinderong Taga-Indiya sa pizzeria nang 21 dilaw na kupon para diskuwento sa pizza para ibigay ko raw sa mga "kaibigan ko."

No comments:

Post a Comment