Monday, November 6, 2023

Galyetang Matcha

Nang maulang Lunes ngayong ika-6 ng Nobyembre ng 2023, dalawang beses akong naglakad papuntang pizzeria. May kolang pangdiyeta ako roon. Dala ko sa kartera ko ang dalawang papel na listahan ng mga salita sa wikang guni-guning Lojban, mga indikador ng mga iba-ibang emosyon para tandaan ko. Malapit sa pizzeria ay isang Asyanong tsaahang panaderiya, kung saan bumili ako ng dalawang malaking berdeng galyetang matcha, yaong may puting tsokolate. Kinain ko sa pizzeria. May dumalaw na mga lalaking maitim ang suot. Pag-uwi ko, ang mga basang bangketa ay puno ng mga dahong dilaw at kayumanggi.

No comments:

Post a Comment