Sa umagang malamig na maaraw nang ika-16 ng Nobyembre ng 2023, nasa Isla Lulung Istarbak ako para malamig na abenang gatas. Pasado nang alas 7, marami nang tao roon. Sa tanghali, lakad naman ako papuntang pizzeria. Asul ang langit, at malamig. Naroon sa pizzeria ang mga Taga-Indiyang tinderong si Sachet, si Navdeep, at si Navjot. Si Navdeep ay bagong trabahadora roon. Nag-aaral siya sa Kanadyanong Kolehiyo sa Surrey nang Heneral na Arte at Siyensiya. Sang-ayon kaming mahirap kung nag-aaral at kasabay nang nagtratrabaho. May dumalaw na guwapong binatang mestisong mukhang Amerindiyong nakaitim ang suot na may malaking puting sapatos, at kumain siya ng isang kahon ng pizza. May dumalaw na guwapong Taga-Iran, at nag-order siya ng pizza. Nagkokolang pangdiyeta ako roon sa isang sulok. Binabasa ko ang baon kong mga libro sa Esperanto. Pag-uwi ko padaan sa eskinita, pinagmamasdan ko ang mga lumot sa lupa. Sa Hapones, "wabi sabi" ang ganoong estetika. Sa tema ng araw, ang 16, at saka 28 din, ay numero ng Esperanto. May 16 na basikong regla sa gramatika ng Esperanto. May 28 letra sa alpabeto ng Esperanto.
No comments:
Post a Comment