Tuesday, October 31, 2023

Maligayang Halloween

Nang maaraw na kaunting maulap na hapon nang Araw ng Halloween ng 2023, lakad ako papuntang Isla Lulung pizzeria. Naroon ang mga Taga-Indiyang tinderong si Bal, si Sachet, at si Simar. Naroon din ang may-aring si Tharsan, yaong may lahing Taga-Sri Lanka pero pinanganak dito sa Hilagang Amerika. Nagkokolang pangdiyeta ako habang hawak ang Kastilang librong Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg. Habang nagwawalis si Bal, kinausap ko siya: "Sikh ka ba, o Hindu?" tanong ko. "Sikh, pero hindi ako nagtuturban, pero may turban ang tatay ko," 'ika niya. "Modernong Sikh ka! Nandito ba ang tatay mo?" tanong ko. "Nasa Indiya," sagot niya. Nagbatian kaming lahat doon nang "Maligayang Halloween!" May dumalaw na puting may buhok na itim na may dalang malaking iskuter. Nang nagpipizza siya sa sulok, sabi niya, "Parang ibang bansa ang bahay mo..." Nakatseker na kamiseta siyang pula at itim. May dumalaw na isang lalaking parating malambing sa akin. Puti siya. May lolong Intsik na nagpipizza habang nagbabasa ng Tsinong diyaryo. Pag-labas ko, tumawid ako nang pruteriya. May Tsinong tinderong may sabing "Isip nilang masyadong mahaba ang buhay nila!" He he!

No comments:

Post a Comment