Monday, November 13, 2023

Halibut

Sa maaraw na kaunting maulap na umaga nang ika-13 ng Nobyembre ng 2023, nasa Istarbak sa Isla Lulu ako sa unang lakad, tapos nasa pizzeria sa ikalawang lakad. Maraming dilaw, narangha, at kayumangging dahon sa bangketa. Dala ko ang Kastilang librong piksiyong espekulatibo sa bolsa ko. Nasa Lungsod ng Mehiko ngayong bumibisita ang kuya ko at ang kapatid kong bunso. Narating ko na ang Cancún at Chichén Itzá sa Mehiko nang matagal na. Nag-aaral kaming lahat ng Kastila. Pagkatapos ng tanghalian kong halibut na may kanin at inuming horchata sa bahay, naglakad akong paikot-ikot sa kapitbahayang cul-de-sac na may kastilyo. Matahimik ngayon.

No comments:

Post a Comment