Thursday, November 16, 2023

Matamis na Ispageti

Sa tanghalian at hapunan ko nitong ika-16 ng Nobyembre ng 2023, estilong Pilipinong matamis na ispageti ang kinakain kong may kasamang binawangang tinapay. Galing sa pamilyang Pilipinang kaibigan naming si Nida, asawa ni Dindong Pilipino rin. May pinagtratrabahohan si Dindo sa tahanan ng Indonesyanong Intsik na pamilya. Nagpipinta rin siya ng mga bapor. Ngayon ay Huwebes. Sa gabi, naroon ako sa Isla Lulung pizzeria para kolang pangdiyeta. Naroon ang may-aring si Tharsan, yaong pinanganak dito sa Hilagang Amerikang may lahing Taga-Sri Lanka. Naroon din ang mga tinderang Taga-Indiyang si Navjot at si Agaccha. Binabasa ko sa mesa ko ang dalawang libro sa Esperanto: La Imperio Ornaks ni A. Thorkent at saka Okupacio ni Erni Krusten. Mamaya pa, pumunta ako sa tindahan ng mga niyebeng pagkain para bumili ng isang plastikong sako ng mga rolyong tokwang may isda. Sabi ko sa tinderang Tsinang minamaykroweyb ko lamang nang dalawang minuto, miski alam niyang mas magaling kung iistim, pero mas matagal ang luto.

No comments:

Post a Comment