Nang mga 13:00 nang maulap na ika-3 ng Nobyembre ng 2023, lakad ako papuntang pizzeria rito sa Isla Lulu. Nagkokolang pangdiyeta ako roon, habang nagbabasa ng librong piksiyong espekulatibo sa Kastila. May dumalaw na guwapong pandak na Pilipinong may bigoteng may anak na lalaki sa istroler. Nakadyaket na kulay-abo, kamisetang dilaw, at asul na maong na pantalon siya. Nagpipizza ang magtatay doon. Ang mga tindero ay si Sachet at si Navjot, parehong Taga-Indiya. Dumalaw si Lola Joey, yaong Olandesa. Sa pruteriya sa tabi, kinakausap ng Taywanesang lola ang mga kostumer. Pag-uwi ko, dumaan ako sa tindahan para bumili ng isang plastikong kahon ng abenang galyetas. Habang naglalakad ako, kumakain ako ng kuki. Malapit na sa bahay, nakita ko si George na Tsipreng Griyegong kapitbahay sa isang sasakyan ay kinakausap ang kanyang Haponesang asawang si Chika sa isa pang sasakyang nakatigil. May dalawa silang babaeng anak na mga mestisa.
No comments:
Post a Comment