Sa maaraw na lakad ko sa daan sa tanghali, binati ako ng mga kapitbahay kong Griyegong Tsipriyotong si George at ina niyang si Nikki, at ng puting si Rod at asawa niyang Ukranyang si Joanne. Nakita ko si Michael na Danes-Pranses na mahilig sa mga ekstraterestre at paranormal. May berdeng tisyert siyang may tropikong isla sa harap. Sa kapihang Istarbak, kahapong Biyernes, ngayong Sabado, at bukas nang Linggo, apat na dolyares lamang ang mga inuming may yelo, yaong "Grande" ang sukat. Kumuha ako ng abenang latte, yaong may yelo. Nagpupunas ng mga mesa si Anna, yaong Pilipinang baristang may Hawayanong pagong sa tisyert niya. Magbabakasyon daw siya sa Isla Bangkuber sa Hulyo. Maganda raw nga roon ang gubat at baybayin. Mahilig si Annang maglakad, katulad ko. Singkretista ako sa espiritwalidad. May mga taong interesado sa paghahaluhalo nang mga relihiyon: ang Singkretismo. Dumalaw ako sa pizzeria. Ika-8 ng Hunyo ng 2024 ngayon, sa Isla Lulu rito.
No comments:
Post a Comment