Sa umaga, sa pizzeriang Yami, kumakain ako ng mga blakbering kinuha ko sa malapit na pruteriyang Kin's. Mamaya pa, naghuhuntahan kami ni Greg sa kapihang Istarbak. Binigyan niya ako ng tsokolateng croissant. Pinag-usapan namin ang Macau na may maraming casino. Ang mga senyas doon ay Tsino at Portuges. Sabi kong napuntahan ko na ang Lisbon sa Portugal. May nakita ako roong mga Tsinong mestisong Taga-Macau, mga Brasilyano, at mga Taga-Aprika. Sa hapon, dumalaw ako sa KFC para isang Pamosong Tsiken Tsiken Sanwits nang espesyal sa Miyerkoles. Tumuloy ako sa pizzeriang Yami para umupo sa labas nang umiinom ng kolang pangdiyeta. Tumuloy ako sa kapihang Istarbak para itim na kapeng may yelo. May isang mestisang Haponesang barista roong si Maya, yaong may lahing Gitnang Silangan. Parang naiinggit ako sa kanya, dahil iniisip kong palagi siyang kumakain ng pagkain ng Hapon at Gitnang Silangan. Kung minsan, nanonood pa rin ako ng anime galing Hapon. Magaling ang imahinasyon ng Hapones. Pag-uwi ko, dumaan ako sa maaraw na larang na kita ang malayong kabundukan. Ika-12 ng Hunyo ng 2024 ngayon.
No comments:
Post a Comment