Friday, June 28, 2024

20200317 UFO at Espiritwalidád

Ang mga kaibigan ko, sina Bratislav "Brian" Tepsa na ufologist at Joki na Intsík na singkretistang espiritwál, ay parehong may sinabing ang iláng tao ay may lahì nang galing sa ibáng planeta. Populár na ideyang itó ngayón, dahil nariníg ko rin sa pamilya ko at sa ibáng tao at sa telebisyón. Bakâ ngang may lahì akóng galing sa ibáng planeta. Anó kayâ? Bukás ang isip ko!

No comments:

Post a Comment