Nasa kapihang Istarbak kami ni Greg nang mga alas-nuwebe nang umaga. Pinag-usapan namin ang mga bibliyoteka. May sentrong aklatan sa Isla Lulu rito. Nag-ilang engkarnasyon na ang gusali. Sabi kong libu-libo na ang mga aklat ko sa papel at elektroniko sa sariling tahanan ko. At haluhalo pa ang mga wika. Ganoon lamang ang mga muwebles ko ang 'ika ko. Binigyan ni Greg ako ng tsokolateng croissant. May hopyang ube akong markang Maynila's Choice. Umiinom ako ng abenang gatas na may yelo. May kape si Greg sa seramikang tasa, at may sanwits na beykon, Gouda, at itlog. Binati niya ang matangkad na si Iskot, ang may-ari ng malaking tindahang PresKo. Mamaya pa, bumisita ako sa pizzeriang Yami. Dumalaw ako sa halal na tindahan. Ika-3 ng Hunyo ng 2024 ngayon. Maulap.
No comments:
Post a Comment