Friday, June 28, 2024

20200311 Dakilang Saserdotisa

Sa kapiháng Istarbaks, kinausap ko kahapon si Joki, yaóng galing sa Tsina. Mandarín ang katutubong wikà niyá. Sa akin, para siyáng Dakilang Saserdotisa ng templo. Talagáng mahilig siyá sa mga espiritwalidád. Sabi niyáng hindî namin, kamíng mga espiritwál, matutulungan ang mga hindî makikiníg. Kung minsán, gustóng patayín. Ganoón. Binanggít niyáng pinatáy si Hesús ng mga ibáng tao. Sabi niyáng si Buda at si Hesús ay nanggaling sa mga ibáng planeta ng hepeng galáksiya. Marunong si Joki ng astronomiya at kosmolohiya. Ang isip niyá ay parang sa mga komentaryo nina Jiddu Krishnamurti at A. C. Bhaktivedanta Swami Prabhupāda. Naniniwalà si Joki na puwedeng tumaás ang tao nang ang tawag niyá ay mga "dimensiyón." Miski niyáng binanggít na may "mga buda" at "mga diyós," naniniwalà siyá sa isáng Diyós na ang buong Sansinukob. Ang doktrinong iyón ay "Panteismo" kung tawagin. Matalino siyá. Kauntî lamang ang mga taong kagaya niyáng naranasan ko sa buhay ko.

No comments:

Post a Comment