Saturday, June 8, 2024

Ketsap at Raspberi

Sa hapong maaraw, dalawang beses akong bumisita sa kapihang Istarbak. Sa una, may Mayelong Matchang Abenang Latte ako. Sa ikalawa, may Mayelong Heyselnat na Abenang Kinalog na Espresso ako. Sa pruteriyang Kin's, kumuha ako nang dalawang kahon ng mga mapulang raspberi nang total na limang dolyar. Sa malaking tindahang PresKo, kumuha ako ng lasang ketsap na mga tsip na patatas. Kinain ko sa pizzeriang Yami, habang may kolang pangdiyeta ako roon. Sa pizzeria, naroon ang mga tinderang si Navjot na Indiyana at si Rose na Pilipina. Pinakita ni Rose sa ismartpon niya ang mga litrato ng hayskul na gradwasyon ng anak niyang si John-Paul. Nakatoga siya: Sabi ko'y "mukhang monghe" siya. Mag-aaral daw siya ng akawnting sa kolehiyo. Sa nebera sa bahay ko, may malaking puti at berdeng bote ng Turkong inuming mentang yogurt na Ayran ng markang Elegant. Ika-8 ng Hunyo ng 2024 ngayon, sa Isla Lulu rito.

No comments:

Post a Comment