Maaraw. Nagdiskusyon kami ni Greg sa kapihang Istarbak ngayong ika-7 ng Hunyo ng 2024 at kahapong ika-6. Sabi kong kamukha ng mga Pilipino ang mga Amerindiyo, pero iba ang ngipin nila. Ang mga Amerindiyo ay Super-Sinodont na mas malapit sa Oryental, yaong Sinodont. Ang mga Pilipino at ibang Pasipikong Tagapulo ay Sundadont. Itong tatlo ang mga klase ng Mongoloid kung ngipin ang pinag-uusapan. Sabi ko kay Greg na nabasa ko ang isang papel na siyentipiko tungkol sa mga antigong Pasipikong Tagapulong narating ang baybayin ng mga Amerika. Ang mga Eskimo ay mas huling dumating sa Amerika kung ikumpara sa mga Mapulang Amerindiyo. Sa kapihan, umiinom ako ng mayelong abenang latte. Pinag-usapan din namin ni Greg ang "kibbutz" ng mga Hudyo, yaong kolektibong pamumuhay. Pinag-usapan din namin tungkol sa sinabi ni mapulang Mao na "Relihiyon ay lason." May relihiyon naman kaming pareho ni Greg: Baptista siya, at Singkretista ako naman.
No comments:
Post a Comment