Saturday, June 22, 2024

SAING

Sa ikalawang lakad ko nang umagang papuntang kapihan, natagpo ko sa eskinita ang nanay ni Kiara, yaong si Saing na Taga-Cambodia. Mapula ang suot niya. May mahal na pusang mukhang leopardong nakatali. Sabi ko, "Maganda ang balahibo ng pusa." Ang asawa ni Saing at tatay ni Kiara ay itim na Amerikanong militar. Marahil, may lahi nang lahat ng mga sub-espesye ng tao si Kiara: Mongoloid, Caucasoid, Negroid, at Australoid. Ika-22 ng Hunyo ng 2024 ngayon, dito sa Isla Lulu.

No comments:

Post a Comment