Thursday, June 27, 2024

20210910 Kulay-kape

Mahilig si Michael na Tsino sa Venti Americano sa Istarbaks na kapihan. Ako naman ay Grandeng Berdeng Tsaang May Yelo. Kapag nakikita ko siya, mahilig niyang pag-usapan ang mga kulay-kapeng tao, bilang ang mga mukhang Arabe, Pilipino, Hispaniko, at iba pa. Malimit nga niyang pag-usapan ang Islang Cebu sa Pilipinas. Natutuwa siya sa Cebu. Sabi ko'y noong naroon ako, binisita ko ang pabrika ng mga tuyong mangga ng mga kamag-anak ng hayskul na kaibigang kong si Philip Tan. May malaking estate sila roong may malaking game house. Natatandaan ko ang templong Taoista sa bundok sa Cebu. Mahilig sa Mehiko rin si Michael. At nanonood siya ng mga musikang bidyong Hispaniko. Eksperto siya sa mga bagay ng Internet sa Tsina—kung ano ang bawal at hindi.

Napapag-usapan din namin ang mga konstruksiyon ng bahay sa Gringolandia at sa Asya at Europa. Sabi kong mas mahuna ang konstruksiyon ng mga bahay sa Gringolandia miski nang mahigit nang isang milyong dolyar ang bayad. Mas matibay na kongkreto ang mga bahay sa Asya at Europa.

Mabiyahe si Michael. Nalibot na niya ang mundo nang barko at eroplano. Marami siyang alam tungkol sa mga kulay-kapeng tao at sa mga itim din. Mahilig si Michael sa sekso.


No comments:

Post a Comment