Wednesday, August 23, 2023

Xoqolat Nga

Hanggang mga alas 8 nang umaga nang ika-23 ng Agosto ng 2023 ako sa Istarbak, pero hindi sumipot si Greg. Nalamig na sa umaga nitong mga araw. Ngayon ay maulap. Sa bahay, sa balkonahe, nagbabasa ako ng librong Chavacano Reader ng grupo ni Rommel M. Miravite. Sa balkonahe rin, kumain na ako ng isang rolyong tokwang may isda at isang lutong saba. Iniisip ko ngayon ang modelo ng super-duper na wikang guni-guning gusto ko. Ang prototipo kong Xoqolat ay ang nagpapakita ng paraan. Dapat, sa akin, na opsiyonal ang mga partikulo para sa TAME, sa Ingles, "tense, aspect, mood, evidential." Mas nagagandahan ngayon ako sa ideyang ang karamihan ng bokabularyo ay dapat Greko-Latino. (Sa tema ng araw, 23 anyos ako noong nagtapos ng unibersidad.)

No comments:

Post a Comment