Wednesday, August 16, 2023

Tibetano

Nagtsatsaang itim na mayelo ako sa Istarbak dito sa Isla Lulu nitong maaraw na umaga nang ika-16 ng Agosto ng 2023. May dumalaw na dalawang Budistang mongheng nakapulang toga. May itsura sila, at nakaahit ang ulo. Yaong isa ay nakanaranghang tisyort, at yaong isa ay nakamurang kayumangging tisyort. Malamang na Tibetano ang salita nila sa tabing mesa. Noong dekadang 2000, pinag-aaralan ko nang kaunti ang Tibetano. Parang Pranses ang sulat dahil may mga silentong letra at mga kontorsiyon. Noon din, pinag-aaralan namin ng meditasyong klase ko sa Taylandes na templo sa Bangkuber ang liturhikong lengguwaheng Pali. Liturhikong wika ang Pali ng mga Budistang Timog. Ang Sagradong Eskritura ay ang Tipiṭaka sa Pali, yaong Tatlong Buslo, yaong parang espiritwal na ensiklopedya. Ang mga Tibetano ay Budistang Norte.

No comments:

Post a Comment