Tuesday, August 1, 2023

Olibo

Sa maaraw na una ng Agosto ng 2023, dalawang beses akong pumunta sa pizzeria rito sa Isla Lulu. Sa una, nagpirasong gulay na pizzang may mga itim na olibo ako. Nagkokola. Naroon ang tinderong si Sachet na Taga-Indiya.  Sa ikalawa, nagpatatas na inihurno ako. Nagkokola. Naroon ang mga tinderong si Bal na Taga-Indiya at si Rose na Pilipina.  Sa labas sa harap ng bintana ng pizzeria, naglalakwatsa ako. Sa kabila ng kalye, sa harap ng Asyanong panaderiya, may muskuladong Tsinong itim ang tisyort at lavender ang korto, at naninigarilyo siya. May batang Asyanong nakakortong may dalang kulay-rosas na mga bulaklak. May deskargador na labas-pasok sa pizzeriang mukhang Taga-Iran o parang ganoon. Sa pruteriya, maraming mais ngayon.

No comments:

Post a Comment